top of page

PROJECT GRACE-UP

NATIONAL LGBTQ+

WRITERS WORKSHOP

Fellow_Jacob.jpg

Joel Donato Ching Jacob

Cupkeyk particularly enjoys the discomfort straight guys go through when they address him as or introduce him to others as Cupkeyk. Cupkeyk is a member of Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo since 2013; the 2018 Scholastic Asian Book Award winner; a founding member of Adventure Community Engagement Service -- a mountaineering group; and an HIV counselor and community- based HIV screening motivator for LoveYourself.

The Story

This poignant piece of speculative fantasy appropriates with compassion and responsibility the folklore of the archipelago and adumbrates its own worlding with senses of critical disability as a critique of cisheteropatriarchical notions of beauty even within the queer community. The unlikely friendship that is formed between a one-eyed but infinitely clairvoyant sorcerer and a cross-eyed slave girl teaches us a powerful lesson on solidarity and how loss can premise the use of magic that is indeed sympathetic and, in the end, sisterly. The trope of the gaze that is aromantic and nonerotic liberates desire from cishet passion and brings it to a place where the self can forge other forms of contractual and consensual relations that can only be grounded in fellow-feeling and empathy.

The Workshop

Jacob’s submissions to the workshop are prospective chapters for the second book of a novel cycle that he is planning. The first book has been bought by and is due to be published globally by Scholastic Asia, the recipient of an international prize that among other things sought to discover the Asian “Rowling”: its primary judge was the British editor who discovered the author of the immensely successful Harry Potter books, and the prize’s avowed intention is to hopefully duplicate this success through the work of an Asian author. Jacob’s novel cycle locates a fantastical secondary world in the Philippine’s precolonial past, and while it adheres to the didactic imperative that characterizes Young Adult writing, it promotes a queer-affirmative agenda in the personae of the unprepossessing sissy—arguably, transfeminine—boy Tuan, and his somewhat cantankerous guru, the shaman Muhen, whose primary power resides in his ability to wield the cornucopia of the insect world to do his bidding. Echoing while at the same time also “tweaking” the monomyth, Tuan’s story traces a hero’s journey of queer self-transformation, through a series of trials and tests. The workshop praised the project as necessary precisely because it seeks to provide adolescent and young adult queer Filipinos an empowering mythos, whose fictional strangeness actually intensifies its analogical force. The workshop was generally impressed with the expansive quality and robustness of the writing, which taps into the conventions of the form but also innovates them. However, a number of the fellows, particularly those coming from the regions, raised the problem of cultural appropriation. Needless to say, Jacob’s anglophonic stories are peppered with extant indigenous words, many of which are inappropriately used, because merely exotically ornamental, and woefully taken out of context. Jacob’s own suggested solution, which he would be enacting henceforth, was to merely invent the code-shifted words. Finally, he recognized the fact that the anglophonic appropriation of non-Western mythological systems, even or especially in the production of fantasy literature (queer or otherwise), would always be fraught with ethical questions.

Featured Work:

In His Own Words: Where I Come From

            “Alin diyan ang nauna?”

            Medyo hingal pa ako at madalas ko nang naririnig ang tanong na iyon kaya hindi ko agad sinagot. Umipod ako sa pagkakaupo sa kama para makahiga sa makitid na kama. Kahit hindi ko naman gusto makipaglambingan, napilitan akong pahigain siya sa braso ko para lang makapag-inat ako nang husto. Nang makapagpahinga na ako nang saglit, saka ko lang sinagot ang tanong niya, “‘Yung sa tiyan ko.”

            “Ano ba ‘yan?” nagtanong siya sabay gising sa kanyang cellphone mula sa pagkakahimbing nito sa sahig ng aking kuwarto.

            Pag-iisipan ko muna kung aling sagot ang gusto ko ibigay, sandaling-sandali lang, wala pang kisapmata at nakapagpasya na ako. “Bulaklak… rosas.”

            “Parang hindi naman,” sinabi niya nang matutukan ng liwanag ng cellphone niya ang tato sa tiyan ko.

            Inaasahan ko na ang punang iyon kaya agad kong naidagdag, “Tatlong demonyong nagyayakapan dahil sa takot, tapos ‘yung mga hugis nila nag-anyong bulaklak. Kaya bulaklak pa rin.”

            “Ang creepy naman.”

            Kumibit-balikat lang ako. Walang bigat sa akin ang opinyon niya.

            “Bakit ka naman magpapatato ng ganon?” sinuhayan niya ang kanyang puna ng tanong.

            “Kakamatay lang ng lola ko noon. Namatay siyang Buddhist. Katoliko pa ako noon, pero hindi ako makapaniwala na hindi siya makakapasok ng langit. Basta,” sagot kong wala naman talagang sagot sa tanong niya. “Sa halip na mag-enrol, ginamit ko ‘yung tuition fee na bigay sa akin para makapagpatato.”

            Ang hirap ipaliwanag sa kanya o kahit kanino ‘yung mga damdaming nag-udyok sa akin noong mga panahong iyon para magpatato nang ganun, hindi dahil hindi ko alam ang dahilan, pero hindi ko pa siya sapat na nakikilala para makapagbukas ng loob sa kanya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang galit ko sa panginoon ng mga Katolikong nagtatanging panananalig sa kanya lamang ang batayan ng kaligtasan? ‘Yung mga demoniyong naging rosas, isa ako dun, kami yung mga kinukundina ng pananalig. Pero siyempre hindi ko sinabi.

            “Ilan bang lahat ‘yan?” Pinagugurlis niya ang dulo ng kanyang hintuturo sa alupihan sa aking tadyang.

            “Labing-apat.” Tumitig lang ako sa kisame ng isang saglit. Nailang ako sa katahimikan kaya naisip ko, dapat kong dagdagan ang sagot ko. “Halos taon-taon ako nagpatato, kunwari dahil may mahalagang nangyari para maalala ko.”

            “A… ibig sabihin may kahulugan ang bawat isa?”

            “Parang ganun, pero sa kalaunan parang palusot na lang ‘yun kasi gusto ko lang talaga magpatato.”

            “E di yung sumunod may kuwento din.” Yumakap siya sa akin kaya’t napangiwi ako, buti na lang wala siya sa posisyon para makita iyon. “Ano ‘yung sumunod?”

            “Heto, ‘yung sa braso ko.” Alam kong inaasahan na niya ang kuwento dahil sabi ko nga may mga kuwento yung mga nauna kong tato. “Mukha siya, ayan yung mata, mata, ilong, bibig, nunal. Mukha ko siya… pero kapag tinagilid mo, LIAR. Apelyido ko kasi Jacob. Sa Hebrew, Jacob means liar. Pinatato ko siya nung milenyo, kasi naaksidente ako sa bus. Apat yung namatay. Ako, nalaglagan ako ng shatterproof na bintana. Sa ospital ako nag-Pasko at nag-Bagong Taon. Wala akong mukha, nana at langib lang. As in di ako makapagsalamin kasi nandidiri ako sa sarili ko. Hanggang ngayon, kahit magsuklay, di ko kinakahiligan. Nagtu-toothbrush ako habang naglalakad. Ayaw ko talaga magsasalamin. Naaalala ko yung histura ko. Hanggang ngayon, kapag nakikita ko mukha ko, naaalala ko, nakakadiri, ampangit ko.”

            Hinawakan niya ang kamay ko, nailang man ako noon, hinayaan ko siyang magpakita ng pakikiramay. “Ang cute mo kaya.”

            Hindi ko siya pinaniwalaan pero hindi ko na sinabi pa sa kanya ‘yun.

            “Tapos,” pagpapatuloy niya sa di ko napansing naantalang usapan. “Alin ang sumunod?”

              “Hmm…” tinuro ko ng aking nguso ‘yung tato sa kaliwa kong braso. “yung alimango, Cancer kasi ako, ‘yun ang unang sahod ko nang magsimula na akong magtrabaho.. ambabaw ‘no?”

            “OK lang ‘yun,” sabi niyang tila pinapalubag ang aking loob kahit wala naman sa aking nakadalawa akong tato mula sa perang bigay sa akin ng nanay ko.

            “Yung iba,” sabi ko, “parang wala nang malalim na kahulugan. Mayroon akong peacock kasi year of the rooster ako. Tapos, heto may wolf. Ito sa leeg ko, Freehand tawag diyan, walang design at walang stencil, diretso sa balat para one of a kind. Pinatato ko nung isang buwan akong nawalan ng boses sa China dahil sa hindi ko kinaya ang winter. Dito, balat ng ahas… gawa ni Apo Wang-Od… symbol siya of change. Kaya may kulot-kulot sa dulo, kasi siya yung balat ng ahas na iniwan na sa lupa o sanga.”

            “Wow na-meet mo si Apo Wang-Od?”

            “Yup, nung 2012 pa ‘yun. Di pa siya sikat na sikat kaya wala pang pila kaya di pa minamadali yung tato. Apat na araw ako sa Buscalan. Doon ako nag-birthday. Ito naman, centipede lang, protection lang.”

            “Pero bakit change?” Ibinalik niya yung usapan sa balat ng ahas.

            “A… noon ko naisip na ayaw ko na sa corporate, na hahabulin ko na ang pangarap kong maging writer. 31 ako noon, takot na takot ako na baka mid-life crisis lang o kung anong pagsisisihan kong iiwan ko ang career ko sa corporate. Pero, parang nag-iwan ng balat ang ahas… ayun nga, change.”

            “Writer ka pala,” sabi niyang may tunay na pagkagitla.

            Napangiti na lang ako, “Hindi pa, hehe, getting there siguro.. heto naman, sa binti ko jellyfish.”

            Inusad ko na lang ‘yung usapang tato para di na siya magtanong pa tungkol sa pagsusulat ko.

            “Bakit naman jellyfish?” Inaasahan ko talaga yun, ayaw ko talaga pinag-uusapan ‘yung pagsusulat ko, baka hindi naman kasi sila nagbabasa, baka hanapan nila ako ng teleplay o spoken word.

            “‘Yan yung reward ko sa sarili ko nung una beses akong makatapos ng full marathon. Kasi lutang na lutang na.”

            Natawa ako sa sarili kong pagbabalik-tanaw. “Kasi pagdating pala sa ika-KM 30 bibigay na yung katawan mo sa sakit ng paa at pagod, willpower na lang yung ipinantatakbo ko. Pagdating ng KM 38, pati yung willpower wala na. Naupo na ako sa bangketa. Dinadaan-daanan na lang ako ng ibang tao, tapos sabi nila, ‘Tumayo ka na, takbuhin mo na, apat na kilometro na lang, kaya mo ‘yan.’ Kaya ayun, ang last four kilometers ko ng marathon, lutang na lutang lang. Lumulutang baga sa udyok ng iba at sa hiya.”

            Natawa ako uli.

            “Eh ito?” Hindi siya nataw. Hindi ko ininda.

            “Sunset minsan, minsan claw,” Sagot ko. Naupo na ako, nawala na ang antok sa aking dala lamang naman ng sandali ng niig. “Ang corny niyan, tribute ‘yan sa favorite kong cartoons nung 90’s. Batman, The Animated Series. Tato ng isang criminal na pinagtulungan nina Catwoman at Batman… si Red Claw.”

            Masyado pa yata siyang bata para maalala kung ano ang Batman, The Animated Series kaya agad niyang pinapatuloy ang usapan lalo’t may ilang tatong makikita lamang sa aking likod, “Eh ito, ano ‘to? Dragon?” Itinuro niya ang anyo ng hayop sa likod ko.

            “Hindi, uhm Kirin tawag diyan. Chinese unicorn.” Sa paraan ko ng pagkakasabi, ipinarating ko nang hindi ko ikukuwento sa kanya ang tatong iyon kasi wala naman talaga siyang kuwento.

            “Tapos ano itong nakasulat sa braso mo?”

            “Unicorn din,” natawa na lang ako sa kabaklaan ng mga tato ko. “Mula ‘yan sa tula ni Maria Reiner Rilke, ‘This is the Creature… The Possibility of Being.’”

            Tumawa ako kahit hindi naman nakakatawa, kasi nakakahiya ang patutunguhan ng aking hilig sa unicorn. Bakla lang.

            “E... ‘yung mahabang Chinese sa likod?”

            “Nung nagbebreak na kami nung ex ko, napagpasyahan naming magpatato. Nagpatato ako ng tula, nagpatato siya ng unggoy. Tells you something about the relationship, right?”

            “E ano naman sabi nung tula sa likod mo?”

            “Bokken kitsujitsu shinpaku joushou mei-an sougou seimei sou-ai—adventure into your heartbeats but whatever happens, wherever you go, fall in love.”

            Sinundan niya ng kamay niya ng kanyang kamay ang mga nakatatak sa bahagi ng aking katawang hindi ko nakikita, “kahit saan ka mapunta, umibig?”

            Tumango ako. “Parang ganun na nga… Tama.”

            Siguro dahil sa mga tato ko, hindi ko na kayang makapa

+ghubad pa nang singlubusan ng iba, laging may tintang nakaburda sa aking katawan na magdadamit sa ‘kin, pero kapag kinilala ang mga tato ko, mas mahuhubaran ako, hanggang diwa’t kaluluwa. Nadama ko na noon ang lubos na kahubdan, hinanap ko sa sahig ang brip at t-shirt ko. Nang makapagbihis, nahiga na uli akong nakalayo ang mukha at titig sa kanya at nakaharap sa pintuan ng aking kuwarto. Pumalibot ang mga braso niya sa baywang ko.

            “Kahit saan ka mapunta, umibig,” sabi niya.

            Tumango lang ako nang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kahubarang itong hindi madadamitan ng tela.

bottom of page