PROJECT GRACE-UP
NATIONAL LGBTQ+
WRITERS WORKSHOP
DJ Ellamil
Si DJ ay isinilang at nagkaisip sa Mabitac, Laguna. Kasalukuyan siyang nasa ikalawang taon ng kursong AB Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay naging fellow ng ikatlong Campus Tagaan, ikatlong Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop (ALBWW), at ikaanim na Cordillera Creative Writing Workshop (CCWW). Nailathala rin ang kaniyang mga akda sa Metro (Antolohiya) at ALPAS Journal. Nasa ikatlong baitang siya ng elementarya nang unang beses siyang nakapagsulat ng kuwento. Simula noon, hindi na siya tumigil sa paglikha ng mga katha, bumuo at wasakin ang iba’t ibang mundo, at mangarap na makaimpluwensiya sa pamamagitan ng mga salita.
The Story
This chapter from a novel-in-progress consists of two parts. The first part is an account of the best friend’s first sexual experience with a nun, how the latter was found dead days after, and why the author is writing the novel: to find and be found by his comrade. The second part tells the story of mourning of how a boy who never knew how to cry returns to their hometown after his father dies, and lives with his maternal grandmother and his uncle: his mother’s elder brother and father’s best friend. In Mabitac, the boy learns of the deity Lakapati, who possessed both female and male genitalia; farmers offered to this divine being for a bountiful harvest. With his best friend, he learns about the word for “lust,” and wondered what it was and how it felt. He comes of age and must finally come to terms with his father’s death when he finds out through the dedication written on the homoerotic novel his uncle was reading, that the latter was his father’s one true love. This palimpsest of remembrances and foresights points to how a particular complexity of novelistic imagination is possible in a consciousness by turns incapable of reverie and fecund with yearning and how these multiple crossings with and through desire can constitute queer writing that is grounded in vernacular earnestness.
The Workshop
Ellamil’s submissions to the workshop are aesthetically different from each other. The other story, “Kaming mga Nabubulok,” is an attempt at metafiction, even as it also proffers an acerbic class critique, for its characters are depicted as being mired in grinding poverty, against which they cleverly inveigh (by blaming the author who made them that way). This novel excerpt is the author’s narrative paean to his hometown—a domestic saga about how both communal and familial secrets of the past must continue to haunt the present, in which a queer childhood must painfully unfold. The workshop praised the stories for their keen observation and their “groundedness,” even as the author was encouraged to think more deeply about the broader ethical question of miserablism and the pornographic portrayal of poverty, which is an artistic approach that reduces the issue of suffering to simple material want or need, and denies the poor the full complexity and plenitude of desires, whose wellspring is the inexhaustible truth of humanity itself. Both stories are resolutely local, especially in their sexual and gender self-conceptions: their queer protagonist is a bakla, whose love object is a lalake or man, commonsensically understood to be “heterosexual.” The specificities of this identity underscore the cultural difference between local and translocal fictional imaginings (in this workshop, between the non-anglophone and anglophone stories), and the role that the globalization of desires and identities has played in the evolution of gender and sexual concepts in the Philippines.
Featured Work:
In His Own Words: Ligáw
Hindi ako magaling sa direksyon. Lagi’t lagi, sa tuwing bagong salta ako sa isang lugar, naliligaw ako. Maaari mong sabihin na puwede akong magtanong sa ibang tao—sa sekyu, tindera, drayber o kahit sino mang mukhang “mapagkakatiwalaan”. Alam ko ang bagay na iyon, ang sistema ng pagtatanong. Ngunit, mayroong mga pagkakataon na gusto kong ako ang tumuklas sa tamang daan, kahit pa matagal akong makarating sa paroroonan, kagaya na lámang ng lampas isang oras kong paglalakad noon sa Makati dahil hindi ko mahanap ang daan pabalik at hindi ko alam kung ano ang dapat sakyan.
Lagi kong itinatanong sa aking sarili kung bakit ang hirap hanapin ng pinanggalingan. Ang konsepto ng pagtuklas sa pinagmulan ay isang mahabang proseso. Halimbawa, ang paghahanap ng etimolohiya ng isang salita, kagaya ng salitang “katarungan”—na ang salitang ito pala ay nakaugat sa salitang Sebwano na “taróng” (may hawig sa “makatwiran”) at hiniram lámang nina Lope K. Santos—nilagyan ng panlaping ka- at -an upang maging kasingkahulugan ng salitang Kastila na “justicia”. O maaari rin namang paghahanap ng pinanggalingang lugar, ang nagdudulot nga ng madalas kong pagkaligaw. Kayâ kung tatanungin mo ako kung saan ako nanggaling, kailangan ko munang maghanap. Tumuklas. Tingnan ang mapa ng aking pagkatao.
Maaaring nanggaling ang lahat sa brochure ng Avon. Nang panahong iyon, hindi pa uso ang Internet sa amin sa Mabitac, Laguna. Isa sa paraan ng pagbili namin ng mga produkto ay ang pag-iiwan sa amin ng brochure ng nagbebenta. Ilang araw ang itinatagal ng brochure sa bahay namin, kayâ lagi akong sinasabihan ni Mama na huwag ko raw gugusutin ang mga pahina dahil mayroon pang gagamit niyon. Tuwang-tuwa kasi ako sa tuwing mayroong bagong labas na produkto sa kids section ng brochure. Ngunit, sa tuwing umaalis sina Mama at ako lang ang natitira sa bahay, lagi akong nagkakaroon ng pagnanasa na buksan ang brochure, at hindi upang tingnan ang mga bagong laruan, bag, at school supply, kung hindi upang buklatin ang mga pahina ng mga lalaking ang tanging suot lámang ay mga ibinebentang briefs. Parang mapa kong sususugin ng aking daliri ang hubad na katawan sa retrato, at unti-unti, sisimulan ko na ang pagtuklas sa aking katawan—ang paghahanap ng paraan upang mailabas ang init sa aking loob na hindi ko matukoy kung ano.
O maaaring nanggaling sa panonood ko ng Daisy Siete tuwing hápon. Tandang-tanda ko pa ang mga paborito kong pamagat ng serye: Ulingling, Tabaching-ching, at Tarzariray: Amazonang Kikay. Dahil madalas na si Rochelle Pangilinan ang bida sa palabas, naging idolo ko siya, pati na rin ang grupo niyang SexBomb Girls. Ngunit, hindi lang ako ang mayroong hilig sa SexBomb sa pamilya namin. Dahil mahilig sumayaw si Ate, bumibili siya ng mga CD ng album ng grupo at sinasayaw niya ito sa harap ng salamin. Todo ang pagkembot ng baywang niya habang sinasaliwan ng mga kantang Bakit Papa?, Spaghetti, at Lalaban Babawi. Pinakikinabangan ko rin ang mga CD na binili niya dahil tuwing kami lang ni Mama ang natitira sa bahay at nasa eskuwelahan pa ang dalawa kong kapatid, bubuksan ko ang CD Player namin upang patugtugin ang pinakapaborito kong sayaw ng SexBomb: ang Upo-upo. Katono ito ng kantang pambata na Magtanim ay ‘Di Biro ngunit binago ang mga titik at ginawang makabago ang tempo. Sa oras na nagsimula na ang pagtugtog ng Upo-upo sa CD player, sisimulan ko na rin ang pagsasayaw sa sala ng bahay namin. Pinag-aralan ang tamang pagbaba ng balakang, pagkembot ng baywang, at mga aksyon na gagawin ng aking kamay para sa sayaw.
O maaari rin namang ang pinanggalingan ng lahat ay nang nakilala ko si Jeffrey noong Grade 5 ako. Siya ang nagparamdam sa akin, sa unang pagkakataon, ng pagkagusto sa kapuwa lalaki. Kakaibang pagkagusto. Mas malalim kaysa mga lalaking modelo sa brochure ng Avon. Mas mayroong init sa aking loob, ngunit ayaw ko iyong ilabas. Gusto ko iyong mag-alab. Mula kami sa magkaibang eskuwalahan sa Mabitac ni Jeffrey, ngunit nagkasama kaming dalawa sa Division Schools Press Conference nang tatlong araw. Gustong-gusto kong tingnan ang dimple sa kaniyang mukha habang magkausap kaming dalawa. Hindi ko na matandaan kung ano ang aming mga napag-usapan, subalit alam kong naging masaya ako nang mga sandaling iyon. Gayunpaman, nang natapos ang tatlong araw naming pagsasama, nakaramdam ako ng kakaibang uri ng kalungkutan na noon ko lang naramdaman. Pagkauwi ko sa bahay, humiga ako sa kama habang pinakikinggan ang kantang Open Arms.
Ang totoo, hindi ko naman talaga alam ang sagot. Saan nga ba ako nanggaling? Bakit kailangan kong buklatin ang alaala ng aking pagkabata upang malaman ang sagot? Marahil, kagaya ng lugar, ang pagkabata ay maaaring ring nakaliligaw. Marahil. Subalit ang sigurado ako, kung sisipatin ko ang aking sarili sa kasalukuyan habang isinusulat ko ang sanaysay na ito, hindi ako naligaw sa aking pagkabata. Nahanap ko na ang aking tahanan. Bílang baklang manunulat. Hindi ko alam kung dito na ba nagtatapos ang daan o ito talaga ang daan. Masaya na ako sa landas na ito. Malaya. Sa ngayon, hindi ko na muna hahanapin ang daan pabalik. Hindi ako naliligaw.