top of page

Back

Paul Joshua Morante

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram
Life and Practice

Paul Joshua Morante is from Cabuyao, Laguna, and he is working in a BPO company in Makati. He is a member of the Sunday Writing Class, a community of writers in Cabuyao. He is a fellow in the 14th Palihang Rogelio Sicat and a resident artist in Global Grace Air Philippines. His poems are published in several anthologies and online magazines. He pursues his wanderlust in the libraries of the city.

Perspective

PAG-AABANG SA KUNDIMAN
(pasintabi kay Edgar Calabia Samar)

Kung sumasagwan ang antok at buryong sa madaling-araw at kanina pa nakatitig at nakikipagtunggali sa blankong iskrin sa harap, binubuglawan ang aking mukha habang nakatitig ang dilim sa likuran, nag-aabang sa pagdating ng mga kataga at talinghaga.

Wari akong naghihintay sa pagdatal ng kalaguyong dumarating kung takipsilim na at nilalambungan ng liwanag ng buwan ang mga kabahayan. Suwail na mangingibig. Dumarating nang walang pasabi. Umaalis nang walang paalam.

Ganito ang pagsusulat, minsan ay inaasahang bisita, aasikasuhin, pauupuin, at kikuwentuhan hanggang mapalagay ang loob at buksan ang mga pintuan at bintana, padadaluyin ang mga salita at magugulat ka na lang ay nakabuo ka na pala ng tula. Minsan naman ay kay ramot-ramot, sinusuyo na ay ayaw mamansin, magdadabog kung tanungin,iismid. Magtatampo naman kapag di pinansin.

Walang pormyula.

Kung dumating sa gitna ng tagtuyot ang unang patak ay lalabas akong sumasayaw, umiindayog sa paghalik ng tikatik sa bubungan, sasaluhin ko nang buong laya at luwalhati. Ihaharap ko ang mukha sa langit at magpapasalamat na sa wakas ay dumating na. Dumating na.

© 2021. GlobalGRACE Philippines

Next Artist

bottom of page