top of page

PROJECT GRACE-UP

NATIONAL LGBTQ+

WRITERS WORKSHOP

Si Raffy Bilang Isang Treadmill Sa Gym

Paolo Sumayao

Palagi na lang


gabi-gabi, bago managinip 

ang daigdig 

pasan kita sa pagnanais 

na mapasinayaan ang 

mga hangad mo 

sa pagpapahintulot kong 

saluhin ang mabibigat mong 

yabag sa makapal kong balat.


Palagi na lang


tila gulong, paikot-ikot ako 

para habulin ang mga paa mong 

nananalanging ako ay may ibibilis pa 

sa bawat pindot 

at sundot ng iyong 

maiimbot na mga daliri.


Palagi na lang


Ni hindi ko na napapansin 

ang pawis na dumadampi 

sa aking balat mula sa iyo 

dahil sa bilis nating dalawa, 

sa pagdaplis ng iyong isipan 

at paglihis ng oras.


Palagi na lang


Sa pagbagal ng iyong takbo

makakahinga tayo nang maluwag. 

Ikaw ay yuyuko, 

yapos ng palad ang iyong tuhod, 

papahirin ang pawis sa balikat 

at lalagok ng inumin.


Huwag mong ipagdamot ang pagod 

dahil ang tulad ko’y 

napapagod din.


Raffy as a Treadmill at the Gym

It happens all the time


night after night, before the world

dreams

I carry you in wanting

to give way to

the things you want

in my consent to

catch your heavy

footsteps on my thick skin


It happens all the time


like a wheel, I keep whirling

to run after your feet 

praying I can run any faster

with every press

and poke from your 

covetous fingers. 


It happens all the time


I do not even notice

the sweat that sticks 

to my skin from you

because of how fast we are,

how your mind hits,

and how time swerves.


It happens all the time


In the slowing down of your pace

we can breathe well.

You will bow down,

your palms touching your knees,

will wipe the sweat off your shoulders

and will gulp from your drink. 


Do not deprive with your fatigue

because those who are like me

get tired too. 


     

bottom of page