
‘Talagatan’
Steno Padilla
Sanlaksang tala ang nakatanaw
sa ating dalawa habang
magkatabi tayong nakaupo
sa dalisdis ng burol.
Malayo sa mga matang
paghuhusga ang kornea;
talukap naman ay pag-iimbot
sa mga gunitang binubuo.
Hawak mo’ng aking kamay,
nakapatong sa iyong hita,
kapwa nakatitig sa malayo
at langit ay pilit inaabot.
Katahimikan ang naging wika
ng matatabil nating dila,
sinasambit ang pangakong
habambuhay ay ngayon.
Lahat ng paparating na bukas—
maginhawa at mahirap,
masaya man o malungkot—
ay mga halik na ipupupog.
Dito sa burol kung saan ang
maririkit na tala ay karagatang
sa karimlan umaagos
at sa damdami’y umaalo.
Talagatan
(lit. a play between “ocean” and “a constellation of stars” –– “an ocean of stars”)
A constellation of stars gazed
at us while
we sat together
on the slope of the hill.
Far from eyes
with judgment for corneas;
and eyelids of greed that kept
the memories being made.
You held my hand,
it rested on your leg,
we both stared into the distance
reaching for the heavens.
Silence became the language
of our talkative tongues,
uttering the promise that
forever is now.
All that is to come tomorrow––
whether comforting or difficult,
whether happy or sad––
are kisses to smother with.
In this hill where
the lovely stars are an ocean
waving in the darkness
and raising the spirit.
