top of page
11 Unang Pagtingkayad.png

Unang Pagtingkayad

Paul Joshua Morante | Zine | 2021

Ang mga tulang kasama sa koleksyon na ito ay naglalayon ng “reclamation” at “re-imagination”. Naghahangad na muling maangkin ang naratibo at kuwento sa pamamagitan ng muling pagsasalaysay at paggamit ng tula bilang pag-angkin at pag-empower.. Ang mga tula ay nangangarap at nananaginip ng mga lunan at posibilidad kung saan malayang ipahayag ang sarili at nararamdaman. 

Reclamation ang mga tula sapagkat palaging nakakabit at nakaangkla ang ating pag-iral sa muli’t muling pagsubok na igpawan at puksain ang mga puwersa at gahum na umaagaw sa ating ng ating pangalan at pagkakakilanlan. Ito ay paggigiit at papakikibaka ng ating mga karapatan. Ito ay paniniwalang sa ating patuloy na pakikihamok at paglaban ay hindi man buo, umaasa tayong unti-unti nating naipapanalo ang mga paggigiit. Ang mga maliliit at mumunti nating pagpupunyagi. Re-imagination sapagkat ito rin ay paghawan ng mga posibilidad at mas mabuting bukas, ng lipunang may pantay at makataong pagkilala sa atin. 
 

Download a copy of digital zine

Kuha ang larawan habang kinakapanayam si Teacher Carlo sa kanilang tahanan patungkol sa kaniyang mga danas bilang guro at bakla.

Pakikipaghunatahan kay Joebert, store manager at bakla. Inilahad niya ang mga pagsubok at tagumpay ng pagiging queer. Sa pagitan ng palitan ng mga kuwento at tawanan, marahang nilandas namin ni Joebert ang masalimuot na relasyon ng kasarian at pagiging manggagawa. 

Pinagkuwnentuhan namin ni Teacher Toffer ang kaniyang mga danas sa pagtuturo at ang mga danas sa mapaniil na mga gahum sa edukasyon. Tinalakay namin at sinuri ang sukal ng pagiging queer sa akademya at mga pagsubok bilang guro.

Pakikipaghunatahan kay Joebert, store manager at bakla. Inilahad niya ang mga pagsubok at tagumpay ng pagiging queer. Sa pagitan ng palitan ng mga kuwento at tawanan, marahang nilandas namin ni Joebert ang masalimuot na relasyon ng kasarian at pagiging manggagawa. 

© 2021. GlobalGRACE Philippines

Unlocked

Phoenix

bottom of page